Saturday, October 07, 2006

retreat! retreat! retreat! : )

retreat na ng Kalayaan sa Tuesday! wuhoo!! : ) excited na ko magkaroon ng break sa school. dalawang araw lang kami papasok next week. : ) haha.

kanina nasa school ako para mag-practice sa mini program for our parents. gagawa kami ng mga figures gamit ang aming mga kamay sa song na What a Wonderful World. medyo mahirap pero nakayanan naman namin. : ) nag-enjoy din kami magpractice. nagtawanan kami, lalo na kami nila Anggeh. haha. yun, nagbonding din kami kahit papano. Kalayaan, God is Great, All The Time!: )

wala si kuya bojee ngayon ng tatlong araw kasi may immersion siya sa isang bahay. ewan ko kung anong gagawin niya dun, hindi pa niya nakukwento. kaya hindi kami kumpleto nung nagsimba kami kanina. sayang din kasi kumain pa kami sa labas tapos wala siya. di'bali alis na lang ulit tayo bukas. haha. : )

daming gagawin sa school. nabibigo na ako sa grades ko sa chem... : ( tsk. di bali, kakayanin kong bumawi. nakakabaliw naman kasi mag-balance ng equations eh.

wala pa akong nagagawang recoletter. tsk. haha. marami kasing ginagawa eh. pero, sige na nga, simulan ko na ngayon. : )

inaantok na ako. ang aga ko nagising kaninang umaga eh, akalain niyo, 5:50 gising na ko kahit wala namang pasok. haha.

"You're focusing on the problem. If you focus on the problem, you can't see the solution. Never focus on the problem! See what no one else sees. See what everyone chooses not to see... out of fear, conformity or laziness. See the whole world anew each day!"
- from the movie Patch Adams : )

No comments: