(echo: keep falling on my head)
haha. umaambon nung nag-trick or treat kami kahapon. masaya pa rin naman pero nakakapagod umakyat-baba sa car. kaya kung minsan, naglalakad na lang kami ni kuya boj sa village. pero si kuya kasi naka-roller blades eh. (pa-star! haha. joke.) hindi ko masyadong trip yung mga candies na binigay (tsk, tsk.) pero maraming nakuha yung sis ko. dun sa village may haunted house na hindi naman talaga haunted. haha. mga bata lang yung natakot. haha. : ) mga tao lang yung mga yun na may maskara. si dracula hinawakan ako pero hindi ako nagulat. haha. ang KJ ko nga nung nasa loob ako eh. haha. paano ba naman, naghintay kami ng isang oras tapos gabi na nun, tapos umuulan pa, sino ba naman hindi mapapagod? kaya yun, hindi ako natakot sa haunted house. hehe.
nagpicture picture kami ni kuya boj kahapon, ilalagay ko pa sa mulitply ko later.
ngayon ay monday, magpapagupit yata ako sabi ni mommy. pero hindi ko masyadong babawasan, gusto ko mahaba hair ko eh. haha. kung hindi matuloy, pupunta kami sa bahay ni lola. : )
may song list na ko sa multiply! para mapakinggan niyo yung mga kanta na linalagay ko dito : )
umuulan pa rin dito, kaya malamiiiiiiiiig. : )
"7 days to go before we go back to reality.."
**Kami nAPO Muna is a very nice album.. ** ----wala lang (nasa multiply ko yung ibang songs)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment