Monday, October 30, 2006

rain drops keep falling on my head...

(echo: keep falling on my head)

haha. umaambon nung nag-trick or treat kami kahapon. masaya pa rin naman pero nakakapagod umakyat-baba sa car. kaya kung minsan, naglalakad na lang kami ni kuya boj sa village. pero si kuya kasi naka-roller blades eh. (pa-star! haha. joke.) hindi ko masyadong trip yung mga candies na binigay (tsk, tsk.) pero maraming nakuha yung sis ko. dun sa village may haunted house na hindi naman talaga haunted. haha. mga bata lang yung natakot. haha. : ) mga tao lang yung mga yun na may maskara. si dracula hinawakan ako pero hindi ako nagulat. haha. ang KJ ko nga nung nasa loob ako eh. haha. paano ba naman, naghintay kami ng isang oras tapos gabi na nun, tapos umuulan pa, sino ba naman hindi mapapagod? kaya yun, hindi ako natakot sa haunted house. hehe.
nagpicture picture kami ni kuya boj kahapon, ilalagay ko pa sa mulitply ko later.

ngayon ay monday, magpapagupit yata ako sabi ni mommy. pero hindi ko masyadong babawasan, gusto ko mahaba hair ko eh. haha. kung hindi matuloy, pupunta kami sa bahay ni lola. : )

may song list na ko sa multiply! para mapakinggan niyo yung mga kanta na linalagay ko dito : )

umuulan pa rin dito, kaya malamiiiiiiiiig. : )


"7 days to go before we go back to reality.."

**Kami nAPO Muna is a very nice album.. ** ----wala lang (nasa multiply ko yung ibang songs)

Sunday, October 29, 2006

stress free zone! : )

wuhoo!! tapos na yung exams. : ) wala na akong aaralin at aalahanin: ) sem break na at panahon na para magsaya: ) haha. i started my sembreak with a gimick. (sus, lagi naman eh...) ayun, pumunta kami kahapon sa eastwood (pics, sa multiply ko). kumain kami sa fazolli's (tama ba spelling?) tapos, nanood kami ng World Trade Center. ako lang yung hindi umiyak sa amin, hehe. achievement yun!: ) tapos nag-ikot ikot at nagpic.

busy 'tong sembreak na to kasi everyday, may pupuntahan ako.
ngayon, sunday, pupunta kami sa BF Parañaque kasi mag hahalloween yung sister ko, siyempre kasama dapat kami sa trick or treat. libreng chocolates din yun! : ) haha. tska ako yung taga-pic sa pamilya namin eh. : )

sa monday, may pupuntahan yata kami ng kuya ko. o mom ko. ewan ko basta may pupuntahan din ako sa monday.

sa tuesday, baka mag-trick or treat na naman kami sa Alabang. mahilig sa chocolates kapatid ko, pagpasensiyahan na. haha. kung hindi kami matuloy diyan, pupunta na kami ng cemetery.

sa wednesday, buong araw kami sa cemetery. bibisitahin namin lolo ko. foodtrip na naman at siyempre, magdadasal.

sa thursday, may gimick ako with my MC barkada. lagi kasi kami lumalabas pag sembreak, tska, matagal na rin daw kami hindi nagkikita (nung summer lang. haha), kaya yun. pupunta ako.

sa friday, magmimeet ako with the token committee para bumili ng token sa interaction. treasurer kasi ang bahala dun kaya, pupunta kami sa tiangge buong araw para makakita ng magandang token and prizes.

sa saturday, pupunta akong school kasi magprapractice kami for the dance sa P.E. dapat kasi maayos na daw kaya yun, sabi ni Anggeh, tapusin na daw namin sa saturday.

at sa sunday, family bonding at baka pupunta kami sa mall.

yun nag gagawin ko buong sem-break. masaya ito, wala akong aaralin or anything. : ) pero, feeling ko mabilis lang yung week na 'to. lulubusin ko na talaga. : )

"kaya natin 'to..."
-Korina

Friday, October 27, 2006

thanks miss platon : )

october 20, 2006
i had a looong talk with miss platon. yes, just the two of us. talking. we shared a lot of stories and we got the chance to know each other better. she nearly cried (pinigilan niya umiyak), i cried. she opened up, so did i. we encountered the SAME things.

up to now, i can't believe that i would be calling a teacher: a friend. i felt relieved and i felt that there is someone i could actually lean on. it has been a long time since i've felt this. who would have known that i would open up to a teacher...? haha. but i liked the feeling... i did and i do. : )

thanks miss platon, i love you and i am so blessed that i have a teacher, woops, a friend like you. :' )

"Hindi mo kaya yan ng mag-isa..."
-Ms. Platon
(i cried when i heard this from her)

by the way, the "Bernice" in the exams, si miss platon ang may pakana nun... : )

Saturday, October 21, 2006

multiply

multiply site: http://www.stringedguitar.multiply.com

this is still my blog. i will only put pics, videos and music videos in my multiply. : )

Sunday, October 15, 2006

the best week ever : )

October 9- 15 is one of the best weeks of my life. eto lang yata yung week na sobrang saya ko. as in. kahit maraming stress, nag-focus pa rin ako sa "bright" side ng mga bagay. sana forever na ko ganito... but i doubt it kasi malapit na ang exams.. : (

hindi natuloy yung shoot ng TVC (haha... yeah right!!!) haha. pero may malupit kaming secret!!!!!!! promise, may malupit na secret yung group namin.. : ) oh my gaaassssshhhhh!!!!!! haha. : ) : ) : ) Nic, pinipigilan ko talaga!!!!! haha.

baka sumali ako sa fair board committee. ewan ko, na-feel ko lang maging active sa school. pero baka sumali din ako sa band-aid. bahala na. pero most probably sa band-aid ako. : )

"masaya..."
-julie

Saturday, October 14, 2006

isip daw, julie, isip ka daw!

daming nangyari ngayon sabado. nung umaga, yun nga, nasa BF para mag-shoot ng TVC. sa eskinita kami na sobrang ghetto tignan. bagay na bagay sa commercial. tapos bukas pupunta naman kami sa mapayapa village, sa bahay nila Alex para i-shoot yung part ni KUYA JC!!!!!!! oh no, Nicola, magpaganda ka bukas at wag na wag kang ma-late!!!!! haha. siyempre, dadalhin ko ang aking cam at isang papel at ballpen para ipa-sign sa kanya. sobrang excited kaming lahat. oh no, si JC INTAL makikita namin bukas!!!!!!!!!!!!!!!!!! ÜÜÜÜÜÜ

pagkagaling sa school, ayun, gawa agad ng projects. nakatapos ako ng tatlo. *sigh* buti naman, konti na lang ang kailangang gawin.. 6 oras na akong on-line dahil lang sa mga projects na yan. pero tulad nga ng sabi ng mga naka-chat ko, "kaya natin to!": )

nag-soiree si kuya bojee ngayon sa mga assumptionista. yikee!!! sana may crush siya at may nagka-crush sa kanya. hahahahahahahahaha!!!!!: ) tuksuhan na 'to... : )

JC!!! Nicola!!! : )

kahapon ay Friday the 13th. ako yung prayer leader kaya sinabi ko to sa buong class nung moments of reflection. sabi ko na kakagaling lang natin sa retreat at babalik na tayo sa "reality". at nagkatotoo nga ang lahat ng hinala at sinabi ko sa MOR, sobrang stressed out kami kahapon. sobrang rushed, at sobrang worn out. but still, we had fun yesterday. supportive pa rin yung kalayaan at affirm kami ng affirm sa isa't isa. : )

nung media period, nagmeet kami for the TVC. ang saya. we're grouped according to seatmates tapos ang saya nung plan namin. nakagawa yung kuya ko ng idea for the TVC at yun yung gagawin namin. sana talaga pwede si "KUYA" JC!!!! awww, Nicola! : )

nung dismissal magkakasama kami nila Nicola, Alex, Fio, Kaine and Anggeh kasi hinintay namin yung sundo ni Alex para makapunta na kami sa house nila to further plan sa TVC. habang naghihintay, pumunta muna kami sa car ni Ms. Platon at nag-joke joke kami dun. haha. nung umalis na si Miss, naisipan namin mag-Break clap!: ) haha. as usual, masaya. tapos sabi ni Nic na gawin namin pabaligtad, haha, so siyempre nagkamali kami maliban na lang kay Nicola... ang daya!: ) hehe. after nun, nagutom kami kaya naisipan namin bumili sa karakuch (tama ba spelling nito?? haha. oh well.) pero bago pa kami makalabas, dumating yung sundi namin. haha. nung nasa house na kami, kumain kagad (haha, PG.) tapos yun, nag-plan. ang name ng aming beer ay: SAN EAGLE. hahahahahahaha!!!!! sobrang malupit yung story kung pano namin nagawa yan. sobra talaga. : ) tapos sinabi na namin ni Nic kung ano yung flow nung TVC, tapos, tapos na. : )

habang hinintay ang aming sundo, nag-usap kami sa sobrang daming bagay. ang saya nga eh, may mga nalaman kami sa isa't isa. si Maricris ang patok ng mga jokes kahit minsan jologs, haha. tapos nag-usap din kami about dun sa retreat, yung mga sharings namin at marami pang iba. : ) nung 7pm, dumating na yung sundo ni Nicola at nakisabay ako sa kaniya hanggang Mcdo Ever, on our way there, sobrang saya sa loob ng car nila. nagkasundo kami ng mom niya kasi puro ateneo yung pinag-uusapan. as in parang naging magkabarkada kami. haha. sabi rin niya na bumili ako ng shirts sa ateneo (at bibili nga ako ngayon! wuhoo!!) tapos sabi namin sa isa't isa ni Nic na sabay kami pupunta sa ateneo sa october 20 for the autograph signing ng mga players. : ) super excited na kami, promise. : )

ngayon, pupunta ulit ako sa school kasi magfifilm na kami for the TVC. ang daming projects na kailangang tapusin pero, kaya to. : )

psst, Brenda, Nic, Cza, kaya natin to ok? : )

Thursday, October 12, 2006

I LOVE YOU, KALAYAAN! : )

Ang saya ng retreat! grabe.

sobrang wow, sobra talaga. hindi ko me-explain yung feeling na nararamdaman ko ngayon. as in SOBRA talaga. napaka (INSERT ALL GREAT ADJECTIVES HERE) ng retreat. no exact words could ever describe it. ang saya ng kalayaan, sobrang bonded to the next level. as in! grabe! alam ko nagmumukha na 'kong tanga sa mga sinusulat ko pero, malupit talaga yung retreat. : ) Ü tapos yung sa family ko pa, grabe, i really feel blessed. Ü yung two days na may sessions kami, sobrang linubus-lubos na namin siya. ang DAMI kong nalaman, ang DAMI kong na-realize. tapos parang lahat ng tao sa kalayaan, close talaga. grabe. (try niyong bilangin kung ilang "grabe" at "sobra" yung linagay ko sa post na 'to. haha). tapos yung break claps pa, ang lupit! haha. sobrang saya din sila Kuya Joel at Kuya RJ. ang patok. promise!Ü grabe. nakakalungkot lang kasi (like i always say) snap back to reality na bukas. argh, i hate it. : ( pero di bali, makikita ko naman ulit yung classmates ko tska si Ms. Platon bukas, kaya worth it ang pagpasok sa school. : ) I LOVE YOU, GUYS! ---sinabi ko na yan kahapon, but i really mean it from the bottom of my heart. ÜÜ

Monday, October 09, 2006

5-6-5-6-7-8!

i say goodnight to you my moon, not now but maybe soon... waah!! nakaka-LSS yung song nila Char at Liselle. yup, kinakanta ko buong araw yung kanta na gawa ng kambal. kung marinig niyo lang talaga yung tune niyan, grabe, malupit! nakaka-LSS talaga.

Retreat na tomorrow!! wuhoo! makakapahinga na for 3 days!: )

ang ganda ng mga songs ng The Fray. download niyo, magaganda kahit medyo hindi ko maintindihan yung meaning ng lyrics pero, astig siya. : )

super enjoy ako ngayon sa kalayaan. aww, guys, do you realize, 6 months na lang tayo magkakasama?? : ( grabe, ang bonded ng class. nakaka-lift up yung presence niyo. : ) di bali, malayo pa kahit papano ang march. lubuslubusin na natin guys!: )

shoot, magbabago na ng seating arrangements! aww, iya, alex, hindi ko na kayo seatmates!!!: ( wag muna magpalit... wag muna. hehe. pero di bali, hindi naman yata kami magkakalayo. pero kahit na... aww... hehe.

iya!!!! ang hot ni chris!!!! natutunaw ako!! sabay tayo sa oct. 20 ok??? : )

"I've got your back, you've got mine... : )"
- Kalayaan's Rule #8 : )

Saturday, October 07, 2006

retreat! retreat! retreat! : )

retreat na ng Kalayaan sa Tuesday! wuhoo!! : ) excited na ko magkaroon ng break sa school. dalawang araw lang kami papasok next week. : ) haha.

kanina nasa school ako para mag-practice sa mini program for our parents. gagawa kami ng mga figures gamit ang aming mga kamay sa song na What a Wonderful World. medyo mahirap pero nakayanan naman namin. : ) nag-enjoy din kami magpractice. nagtawanan kami, lalo na kami nila Anggeh. haha. yun, nagbonding din kami kahit papano. Kalayaan, God is Great, All The Time!: )

wala si kuya bojee ngayon ng tatlong araw kasi may immersion siya sa isang bahay. ewan ko kung anong gagawin niya dun, hindi pa niya nakukwento. kaya hindi kami kumpleto nung nagsimba kami kanina. sayang din kasi kumain pa kami sa labas tapos wala siya. di'bali alis na lang ulit tayo bukas. haha. : )

daming gagawin sa school. nabibigo na ako sa grades ko sa chem... : ( tsk. di bali, kakayanin kong bumawi. nakakabaliw naman kasi mag-balance ng equations eh.

wala pa akong nagagawang recoletter. tsk. haha. marami kasing ginagawa eh. pero, sige na nga, simulan ko na ngayon. : )

inaantok na ako. ang aga ko nagising kaninang umaga eh, akalain niyo, 5:50 gising na ko kahit wala namang pasok. haha.

"You're focusing on the problem. If you focus on the problem, you can't see the solution. Never focus on the problem! See what no one else sees. See what everyone chooses not to see... out of fear, conformity or laziness. See the whole world anew each day!"
- from the movie Patch Adams : )

Monday, October 02, 2006

ateneo lost, still, chris tiu is hot. : )

paano ako naka-post kung wala pa rin kuryente sa bahay? hehe, na sa bahay kami ngayon ng lola ko. at dahil sa sobrang desperado namin gamitin ang computer, dinala ni kuya yung buong computer sa bahay ni lola, kaya naka-post ako ngayon. dito muna kami makikitira hanggang magka-kuryente yung bahay namin. 3 weeks pa yata kami walang kuryente kasi nga dahil sa punong nahulog. hay, good luck na lang ang studies. : (

talo ateneo sa uaap!!! nakakainis!!!!!! pinanood namin ni kuya boj sa caf ng ateneo, tapos tuwing nakaka-score yung ateneo, sigawan lahat ng tao. haha. ang saya. pero, yun nga, natalo eh... seryoso, nalulungkot ako ngayon kasi natalo sila. kawawa naman sila JC Intal at Chris Tiu, last year na nila pati yung ibang players tapos, hindi pa nag-champion. : ( sobrang na-down ako...

anyway, kanina, habang hinihintay si kuya boj, kakaiba yung pinag-usapan namin ni mommy. haha, pinag-usapan namin about love at kung paano sila ni daddy nung mag-boyfriend pa lang sila. haha. nakakatawa na medyo nakakakilig. medyo lang, hindi masyado, haha, joke. : )

medyo nahihirapan ako ngayon kasi hindi kami sa bahay umuuwi. late ako masusundo pag dismissal, (kaya, nag-aaral na lang ako sa library, to kill time), tapos susunduin pa si kuya sa ateneo, tapos lalakbay pa kami sa manila dahil andun yung bahay ni lola. grabe, tatlong linggo ko to gagawin... goodluck na lang talaga sa studies... kawawa rin si mommy eh, napapagod na siya.. Lord, tulungan niyo naman kami oh...pero siyempre, ang masaya naman dito, tatlong linggo din ako maaga makakadating sa school!Ü ang aga ko kanina dumating kasi private na nga. marami akong mga kaklase na nabigla kasi 6:30, nasa school na ko. haha.. : )

"what doesn't kill you makes you stronger"
-shared by Ms. Platon

Sunday, October 01, 2006

internet cafe

wala pa rin kuryente. kaya kami ng kuya ko ay panay internet cafe na lang. kawawa kami sa monday. shoot. sana wala masyadong homeworks bukas. kung hindi, kandila lang ilaw namin habang nag-aaral. : (
ngayon, naka-ckeck- in kami sa isang hotel kung saan nagkaroon kami ng discount. hehe. nahihirapan talaga kami sa house kaya, nag-over night kami sa hotel kung saan nagtratrabaho tito ko. salamat tito mirro sa malaking discount! : ) hehe.
uuwi na kami mamaya. tulad nga ng sabi ko, snap back to reality...

kagabi, habang nakatulala sa window ng hotel, kung anu-ano pumapasok sa utak ko. kaya sinulat ko siya sa papel. (trivia: pag ako naghawak ng pen o pencil at may length wise na papel, ibig sabihin nun may sinusulat akong something.. haha. nagsusulat ako ng mga kadramahan, "thoughts", etc. hehe. wala lang. trivia.) length wise ang paborito kong papel. ewan ko kung bakit. lahat ng nasa utak ko, sinusulat ko siya sa length wise. kaya pag nakita niyo ko may length wise sa harap ko at may hawak na red ballpen o pencil, magdalawang isip muna kayo makipag-usap sa'kin. kasi hindi ako basta-basta nakikipag-usap pag nagsusulat ako. unless, sobrang importante o namomoblema kayo, fine, i'll drop the pen.

"i'll drop the pen..."
-julie : )