kahapon ay Friday the 13th. ako yung prayer leader kaya sinabi ko to sa buong class nung moments of reflection. sabi ko na kakagaling lang natin sa retreat at babalik na tayo sa "reality". at nagkatotoo nga ang lahat ng hinala at sinabi ko sa MOR, sobrang stressed out kami kahapon. sobrang rushed, at sobrang worn out. but still, we had fun yesterday. supportive pa rin yung kalayaan at affirm kami ng affirm sa isa't isa. : )
nung media period, nagmeet kami for the TVC. ang saya. we're grouped according to seatmates tapos ang saya nung plan namin. nakagawa yung kuya ko ng idea for the TVC at yun yung gagawin namin. sana talaga pwede si "KUYA" JC!!!! awww, Nicola! : )
nung dismissal magkakasama kami nila Nicola, Alex, Fio, Kaine and Anggeh kasi hinintay namin yung sundo ni Alex para makapunta na kami sa house nila to further plan sa TVC. habang naghihintay, pumunta muna kami sa car ni Ms. Platon at nag-joke joke kami dun. haha. nung umalis na si Miss, naisipan namin mag-Break clap!: ) haha. as usual, masaya. tapos sabi ni Nic na gawin namin pabaligtad, haha, so siyempre nagkamali kami maliban na lang kay Nicola... ang daya!: ) hehe. after nun, nagutom kami kaya naisipan namin bumili sa karakuch (tama ba spelling nito?? haha. oh well.) pero bago pa kami makalabas, dumating yung sundi namin. haha. nung nasa house na kami, kumain kagad (haha, PG.) tapos yun, nag-plan. ang name ng aming beer ay: SAN EAGLE. hahahahahahaha!!!!! sobrang malupit yung story kung pano namin nagawa yan. sobra talaga. : ) tapos sinabi na namin ni Nic kung ano yung flow nung TVC, tapos, tapos na. : )
habang hinintay ang aming sundo, nag-usap kami sa sobrang daming bagay. ang saya nga eh, may mga nalaman kami sa isa't isa. si Maricris ang patok ng mga jokes kahit minsan jologs, haha. tapos nag-usap din kami about dun sa retreat, yung mga sharings namin at marami pang iba. : ) nung 7pm, dumating na yung sundo ni Nicola at nakisabay ako sa kaniya hanggang Mcdo Ever, on our way there, sobrang saya sa loob ng car nila. nagkasundo kami ng mom niya kasi puro ateneo yung pinag-uusapan. as in parang naging magkabarkada kami. haha. sabi rin niya na bumili ako ng shirts sa ateneo (at bibili nga ako ngayon! wuhoo!!) tapos sabi namin sa isa't isa ni Nic na sabay kami pupunta sa ateneo sa october 20 for the autograph signing ng mga players. : ) super excited na kami, promise. : )
ngayon, pupunta ulit ako sa school kasi magfifilm na kami for the TVC. ang daming projects na kailangang tapusin pero, kaya to. : )
psst, Brenda, Nic, Cza, kaya natin to ok? : )
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment