**this may be a corny post to you, but what the heck, this is my blog** hehe. : )
Nagising ako ng 7 am, kahapon, Dec. 31,2006. Ngayon ay January 1, 2007, 5:43am, at hindi pa ko natutulog since nung nagising ako. : ) SAYA. : ) First time ko ginawa to sa buong buhay ko, and I think this would be the last. haha. I think lang, who knows, baka maulit ito.
WOW. Tapos na ang 2006. Yun talaga ang pinaka mabilis na year para sa'kin. Grabe, parang kelan lang ako pumasok sa III- Kalayaan classroom, at ngayon, tatlong buwan na lang, aalis na ko. Parang kelan lang na tinatahi ko ang patch #3 sa aking uniporme, ngunit sa ilang buwan na lang, papalitan ko na ito ng 4.... : ( Ayoko pa talaga. Ang dami kong "ayoko". Ayoko mawala ito, ayoko mabago ito, ayoko iwanan ito. Wow. Yun na lang talaga masasabi ko. Hay... Ang dami kong naiisip ngayon... *sigh*
Nagpapasalamat pala ako sa LAHAT ng taong naging parte ng aking munting buhay sa taon na 2006. (tagalog na tagalog!) Sobrang marami kayo naitulong sa akin. Marahil ay hindi niyo alam na kahit na simpleng ngiti niyo lamang sa akin, ako ay napapasaya niyo na rin, kaya't salamat. : )
At sa lahat naman ng mga tao na talaga namang malapit na malapit sa aking puso (kilala niyo na kung sino kayo), maraming maraming salamat. : ) mahal ko kayo. : )
Sa iyo. Nabasa mo naman na sa text ang gusto kong sabihin sayo. : ) *8*
Siyempre, salamat sa Iyo. Ikaw lang naman talaga ang aking taga-subaybay at "ilaw". Pasensiya na po kung minsan ako ay sumusuway sa Iyo. Tao lang naman po ako, nagkakamali (drama... pero totoo) Di ko po kakalimutan na tumakbo sa Iyo kahit kailan, kahit saan : ) Salamat God!!! Malupit Ka!!!: )
2007 na... Ano na naman kaya mapapala ko sa taong ito?? Hmmm....
BRING IT ON! : )
6 am na. Lalabas na ko sa garden. Bliss of Solitude na naman. : ) Thank You, God: )
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment