Katatapos lang ng exams. Whew! Thank God at buhay pa ako. Haha. Mali yung nilagay ko sa last post ko na hindi ako gigimik, dahil gumimik pa rin ako! haha. Dahil last minute yung pag "prepare" sa labas namin, sa may The Block na lang kami pumunta kasi malapit sa bahay. Kasama ko sina Iya, Jen and Pk. : ) Kulang ang Fourlets kasi si Kaine nasa isa pa niyang kada, pero nagkita- kita rin kami sa SM. Haha. : ) Nag movie kami at pinanood namin ay "Griffin and Phoenix". Ang GANDA ng movie! Promise, malupit na maganda. : ) May pagka drama na comedy na romantic. Basta maganda siya, pero bitin yung ending. Sobrang bitin! haha. Nung nanood nga kami, si Jen at Iya, naiiyak na, kami ni Pk, tawanan lang. Haha. : ) Si Pk naman kasi eh, yung mga hirit! Haha. : ) Tapos kung minsan, may mga dialog na maganda, tinginan kami ni Pk. Haha, gets na namin ang ibig sabihin nun! : )Yun, tapos nag-ikot ikot. : ) Nga pala, nakasama namin si NICO!!!! Yikee, kinilig naman kami!: ) Nico and Iya sitting on a tree.... Haha: ) Yun, tapos umuwi na sila Pk, nagtaxi sila, tapos sumabay si Jen sa akin pauwi. : )
Next week, busy na naman ako. Kahit tapos na ang exams, busy pa rin. Bakit? Hmm... Una, everyday na ang Band-aid meetings. Hanggang 5:30 na ako EVERYDAY next week. Wow, kakapagod. Tapos, may meetings din kami sa Poetry for English. Everyday din yun. Tapos may mga practices pa kami sa Chorale. Wow, good luck...
Hay.... Busy. Busy. Busy. Pero kakayanin : )
Soundtrip.... Just so you know!!!!: )
"It's nice to HOLD ON..."
-Griffin and Phoenix
<8>
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment