Umaga pa lang, alam kong ok yung araw na to. Una sa lahat, nagsimbang gabi kasi ako kasama si daddy. Malamig ang simoy ng hangin! : ) haha. Medyo matagal yung sermon ng pari pero buti na lang, napigilan ko ang hindi matulog. Pagkatapos ng simbang gabi, hindi na ako natulog. hehe. Sabi ng dad ko maglakad lakad daw kami, ako naman, na-excite at pumayag. Akala ko maglalakad kami diyan lang sa labas, kaya ordinaryo lang sinuot ko. Tapos sabi ni daddy, magsuot daw ako ng sports attire, fine, pinagbigyan. Nalaman ko na lang na hindi pala kami maglalakad sa labas. haha. Pupunta pala kami sa Quezon City Circle para mag "lakad". haha, oo, exercise na toh pare. : ) Yun, sumama na rin si mommy at dahil mahimbing ang tulog ng aking mga kapatid, ako lang ang nakasama. Nag jogging kami ni daddy, habang si mommy ay may ginagawa dun sa bilog. haha. Patok kasama si daddy, ang lakas ng trip niya kanina ewan ko kung bakit. haha. Laugh trip talaga nung nag jojogging kami. May mga words of wisdom pa siyang nalalaman at mga jokes na corny pero patok. haha. : ) Ang lakas din ng trip ng mommy ko. Ewan ko pero sa araw na to, lagi nila akong inaasar!! haha, flavor of the day yata ako eh. : )
Buong hapon, ako ay tulog. Achievement yan kasi di naman talaga ako natutulog pag hapon. Hindi na nga ako nakakain ng lunch dahil busy ako sa aking mga panaginip. hehe. : ) Nung nagising naman ako, nakipag laro ako kagad kay Jodee. : )
Ngayon ay Christmas Eve na. Marami rami na rin ang nag greet ng Merry Christmas. Nagluluto na si mommy ng kanyang mga specialty habang kami ay nasasarapan na sa amoy. haha. : ) **mga PG tao dito!** Unti-unti na ko dinadalaw ng Christmas Spirit. Sana nga tuluyan ko na 'to maramdaman.
Merry Christmas to all of you!!!!: ) Remember to greet Jesus a Happy Happy Birthday!!!!!: )
Wag mo muna isipin yun, ang importante ang NGAYON. *8*
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment