Tama, Christmas Eve na bukas. Si mommy naglalagay na ng mga kung anu-anong pagkain sa ref, si daddy naman tikim ng tikim ng fruitcake, si kuya Jobee ay nasa PS2 pa rin, si kuya Bojee ay naghahanap ng shirt para suotin bukas at si Jodee naman ay nag-eenjoy dahil marami siyang gifts under the Christmas tree. At ako? Ewan. Haha. 'Yun yon eh. Ewan.
Maaga pa lang kanina, nag gm na ang mga tao na hindi nila feel ang pasko (di'ba Suzie and Tenshi?) at nag-reply naman ako na hindi ko pa rin siya feel. Bakit kaya ganun noh? Dahil ba tumatanda na ako, dahil ba mas naging mature ako? Ewan. 'Yun yon eh, ewan. Marami rami na rin ako natanungan kung feel ba nila, sabi rin nila hindi. Bakit kaya? Hmmm... Malabo talaga. Sabi naman nila Tenshi, ngiti lang... Fine, eh di ngiti : )
Wala, boring sa bahay. Wala akong ginawa kundi internet, tv, at text. Grabe.. Pero ayoko pa pumasok... Ayoko pa ng Chem! haha. Kahapon ang pinaka-malupit. Naka 10hrs ako on line. Akalain niyo?? SAMPUNG ORAS NG INTERNET?? Napaka- productive ko naman. Haha. Ngayon naman, text ang inaatupag ko. 8am pa lang, nagtetext na ko (Suzie!! Salamat ulit...) at ngayon ay 3pm na, nagtetext pa rin ako. Lupit? LUPIT. Tsk, Tsk, masyado akong high tech ah! haha. Wala bored talaga eh. Buti na lang mamaya aalis kami. Pupunta yata kami sa Intramuros?? Yun, basta yun. May panonoorin kasi si kuya Jobee na play, habang hinihintay siya, doon muna kami sa Manila.
May nangyari na naman kagabi... : ( Nakakalungkot naman kasi eh. Buti na lang naka-text ko si Suzie at Cza. Salamat Suzie ng malupit!!!!: ) Pansin niyo, ilang beses ako nagpapasalamat kay SUSSY?? haha, basta, amin na lang yun. : )
Pamatay yung gitara ni Passion. Listen to Refiner's Fire sa multiply ko. PAMATAY. : )
Pasko na... : ) : (
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Marie Bernice! hala yung sussy nandito rin!! haha. salamat din!
Post a Comment