Monday, September 04, 2006

monday blues pare...

naranasan niyo na ba yung feeling na paggising mo sa umaga tapos naalala mo na monday pala tapos parang ayaw mo na pumasok? kaninang paggising ko, yan ang naramdaman ko. monday blues daw ang tawag dun. kanina talaga ayoko ko pa bumangon sa kama. gustong gusto ko pa matulog, pero, kailangan pumasok kaya, wala akong nagawa kundi gumising at bumangon.
umaga pa lang, alam ko na kaagad na hindi ko magugustuhan yung araw na'to. ewan ko, ganun ako eh, umaga pa lang alam ko kung magugustuhan ko yung araw o hindi. so, nung umaga, flag cem, ang init sa feild. sa totoo lang buong araw kanina mainit, as in. pati mga teachers namin kanina reklamo nang reklamo sa init ng panahon. lahat kami sa classroom pinapawisan. tapos nung uwian naman, umulan. saya no? kung kelan uwian, dun umulan. hindi na naman ako masusundo ng mom ko kaya sumabay ulit ako sa bus. dahil ang aming bus ay wala sa shaded part ng parking lot, ako ay naglakad sa ulan. LITERAL na naglakad sa ulan. yung uniform ko, basa, yung chem book ko na dala ko, basa, yung bag ko at ang mga laman nito, basa. yup, literal na naligo ako sa ulan. tapos sa bus, punong-puno, as in wala na ko mauupuan. guess what? nakatayo ako sa bus. LITERAL na nakatayo ako sa bus, at siyempre nakakuba ako kasi matangkad ako. hehe. mga 30 mins lang naman yun kasi may mga bumaba na busmates, pero ang hirap pa rin ng nakayuko ng 30 mins. so, nung umaga pawis na pawis, nung hapon, basang basa ng ulan, tapos nakakuba pa sa bus.
nga pala, nung lunch nag-usap kami ng isa kong kaibigan tungkol sa isang nakakalitong bagay. hindi ito geom at chem ah! hehe, tungkol ito sa mga personal na bagay. meron kaming mga tanong sa isa't isa na kami mismo, hindi namin masagot. ay nako, pag "ito" talaga ang problema, mahirap solusyonan..

so, buong araw, pawis na pawis. nung lunch, gulong-gulo. nung uwian, basang basa sa ulan at nakakuba sa bus. hay nako, iba talaga pag lunes...

*nga pala, si chocolate snowman (codename yan), gusto niya ang sky. lalo na pag blue sky. hehe, wala lang sharing... (kilig)

No comments: