buong araw na naman ako wala kahapon. nung umaga nasa school para mag-practice sa "aw-aw" at tumulong ng konti sa meet the experts. pagkatapos nun, sinundo ako ng aking pamilya para kumain sa labas at mag mall. kumain kami sa dencio's grill at bumili kami ng holy kettle korn!! (favorite!Ü) tapos pumunta kami sa SM. swerte ng mga kuya ko nakabili sila ng bagong rubber shoes. (ang ganda ng mga rubber shoes nila!) ako, nagpabili ako ng volleyball shorts for intrams. oo, ang tagal pa ng intrams pero, kung tutuusin, malapit na. si mommy, bumili rin ng sapatos. wala, nag shopping lang kami. pagkatapos nun, nagsimba na kami kasi may gagawin kami ngayon. pagkatapos magsimba, umuwi na kami. pagdating na pagdating sa bahay, gumawa ako ng homework (saya no? homework kagad). tapos nagpadeliver sila ng mcdo. haha. foodtrip na to, guys. tapos nagpahinga ako ng onti, tapos natulog. hehe, yun ang ginawa ko nung saturday.
ngayon, sunday, aalis din kami. may reunion kami sa mother's side. makikita ko ang aking mga lolo, lola, tita, tito, pinsan at marami pang iba. hindi ako masyadong nag-eenjoy pag reunion, kasi hindi ko naman masyadong kilala yung mga tao dun. tapos hindi ko rin masyadong close yung mga pinsan ko. bahala na lang kung anong mangyayari mamaya. kanina pa lang umaga, nanood ulit ako ng dvd. grabe, addict na yata ako sa panonood ng dvds. tsk, tsk, tsk.
nakita ko si chocolate snowman kanina. as usual kinilig na naman ako. ÜÜ ay nako, kahit kelan talaga, kinikilig ako! haha..
the search continues...
Sir A,
where are you?
please tell me... please...
: (
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment