Friday, August 11, 2006

rest day

Friday is my rest day. madalas kasi pag monday hanggang thursday, pagka-uwi ko sa bahay, aral kagad, pero pag friday, gagawin ko lahat ng gusto kong gawin at hindi dapat related sa school. parang "free day". kaya tuwing friday lang ako nakaka-online o kaya friendster o blog o makinig ng magdamag sa radio o manood ng dvd.Ü

Studies....
exams na nga pala next week. argh. lahat na ng subjects kasama, kahit p.e., music, media at lahat ng minor subjects. good luck na lang sa'kin. (sige, julie, magpahinga ka na ngayong friday. magpakasaya ka na dahil this weekend, todo aral ka na naman...) : (

Kuya.....
ang hirap kapag may kuya ka na ubod ng talino. and take note, hindi lang isa ang kuya ko, dalawa silang matatalino. kahit hindi kami kino-compare ng parents namin, hindi ko pa rin maiwasan na i-compare ko ang sarili ko sa kanila. sana lang kasi madali mag-honor sa shs, kaso hindi eh. marami kang dapat pagdaanan bago ka maging merit.

DVD... (wala lang to, sinasabi ko lang yan sa sarili ko... *labo*)
kuya, ang tagal mo naman diyan sa PS2, bilisan mo na, gusto ko na manood ng dvd!!!! wag ka na maglaro ng wrestling, pagbigyan mo na ko manood!!

TV...
awww, last two weeks na lang.... : ( wala na kong aabangan. pag badtrip ako, wala ng makakagaan ng feeling ko.... : (

Night Time...
kung minsan masaya kapag gabi tapos umuulan, tapos malamig... wala lang, parang may "something" kapag yun yung nangyayari eh. ewan ko kung masaya, senti o malungkot yung "something" na yun... pero isa lang ang alam ko, gusto ko yung feeling. : )
*masaya din kung minsan, pag gabi tapos ang daming stars sa sky. ang saya pagmasdan. Ü

Random Thought: God really planned my week, He knows that for the past few days, i felt so down and sad, but He planned that on the last day of this week, (which is today) I would feel a sense of relief and happiness. Thanks Lord.ÜÜ

No comments: