Monday, August 07, 2006

gitara

ang ganda ganda ng song na Alipin by Shamrock. ok, ok, medyo luma na yung song pero, gustong gusto ko talaga siya ngayon. lalo na yung music, siguro naman by this time, alam niyo na mahilig ako sa acoustic, kaya yun, na-inlove na naman ako sa pag-gitara nung song!Ü
sana lang talaga, magaling ako maggitara para lahat ng gusto kong kanta, agad kong natutogtog, kaso hindi eh! haha. di'bali, kontento naman na ko na nakikinig na lang sa mga taong ubod ng galing maggitara tapos ako yung kumakanta sa isang tabi.
(reminiscing: aww, naaalala ko yung Buhay days... awwww, yung jam sessions sa may bintana...)
tapos ang ganda ganda pa nung intro!! waaahh!!!
nga pala, thank you kazzi and yuka sa pagbigay sa'kin ng lyrics nung song kaninang lunch.Ü

ang saya mag-sound trip ngayon... kaso ang daming ginagawa eh... namimiss ko pa naman yung mga ganun lalo na pag kasama ko yung mga kaibigan ko... tapos puro senti yung tinututog, tapos may bigla na lang may magiging emo sa isang tabi. haha..
sana maulit yung mga pinaggagawa namin nung first year, kaso masyadong busy ang mga tao. kaya wala akong magagawa kundi balikan na lang yung mga oras na yun... balikan na lang sa isip ko kasi pilit pilitin ko man, hindi na yata mababalik sa totoong buhay...

(Random feeling: nakakapagod kasi kung puro ako na lang ang mauuna. minsan naman, ikaw na ang gumalaw.)

drama?? haha. sorry, nakakamiss lang kasi yung mga tao... : (

later days!Ü

No comments: