Sunday, March 05, 2006

radyo

kung minsan talaga hindi mo alam kung nananadya ang mga stasyon ng radyo sa mga kantang pinapatugtog nila. grabe kagabi, yung mga kanta na pinatugtog nakakasenti. pero hindi ko mapatay yung radyo kasi nakasanayan ko na kapag gabi, nakikinig ako dun. kaya yun, pinakinggan ko ang bawat kanta. ewan ko ba, yung mga kanta nakakalungkot na nakakareminisce na nakakasenti na ewan! haha. kapag friday, 7 pa lang, nakatutok na ko sa WAVE hanggang makatulog ako. kagabi, na sa 94.7 ako, yung kanta nakakasenti. una kong narinig till they take my heart away (kung close ko kayo, alam niyo kung bakit nasesenti ako pag narinig to.) tapos sunod, without you ni paolo, tapos with a smile ng southborder, tapos maybe ni king, tapos never get over you getting over me ng mymp, tapos why ni avril. grabe, sunodsunod yun! nananadya ang stasyon. haha. pero ok lang, sabi nga nila, maganda rin na kung minsan, magpakasenti ka. pero nung pinapakinggan ko yung mga yun, hindi ako umiiyak, o.a. ko naman pag umiyak pa ko! haha. basta, maraming nagagawa ang musika sa buhay. Ü

pakinggan niyo yung Torpe#5 ng mymp, maganda! haha, lalang...Ü

No comments: