Friday, March 03, 2006

buti na lang may english at health periods!

march 3, 2005, friday. nung umaga, medyo hindi maganda pakiramdam ko kasi sakit ng ulo ko. tapos, yung mga pinapatugtog sa radyo, puro panama. pero ok lang. pagkababa ko sa school, "down" ng feeling ko, ewan ko kung bakit. pagkadating sa classroom, basa kagad ako ng libro (The Wedding by Nicholas Sparks, great book, you should read it!Ü) mga bandang 7:10, dumating si cza, eh di kwento kagad yun! hehe. tapos may nalaman ako na medyo nakalungkot ulit sakin. basta, long story. pero pagkatapos ng mass, naging ok ako, kasi lahat ng inis ko, sinabi ko na sa dasal (thank you Lord!Ü) hehe. tapos after lunch, yan na, ayos na araw ko!!

the best talaga si ms. platon magturo! lalo na yung mga topics namin ngayon, ang galing niya i-ralate sa buhay namin. nakaka-inspire yung mga tinuturo niya tapos life-changing pa. tamang tama nga sakin eh. basta, lesson namin parang wag mo masyadong isipin ang past kasi, wala ka na magagawa dun, tapos make your today fulfilling and happy, para from now on, you look back into a past that is happy. basta, mas maganda kung siya yung nagturo, mas maiintindihan niyo. may binigay siya na advice: "do something everyday that scares you", para everyday daw, you have lived your life to the fullest.

sunod naman si ms. casimiro, eh alam niyo naman yun, sobra din kung magbigay ng lesson, astig! siya naman, yung mga sinasabi niya wag ka magpapatalo. wag ka rin magpaimpluwensiya sa mga masasamang tao. tapos may sinabi pa siya na ikaw lang ang may kontrol sa buhay mo at wala ng iba. wag kang madadala sa mga masamang tao. basta, astig talaga! mararamdaman mo na talagang masaya mabuhay kahit may mga problema! hehe... may sinabi rin pala siyang advice: "tumayo ka at lumaban"

nung dimissal na, ok na ok yung feeling ko. pag dating sa bahay, nung nag-online ako, medyo nalungkot ulit kasi may nabasa ako sa isang blog, pero, ayos lang! inisip ko na lang yung lessons namin ngayon, kaya nagsulat ako dito.
sorry kung mahaba tong entry na to, ginanahan kasi eh! sige dito na lng, bye
!!ÜÜ

No comments: