Saturday, November 18, 2006

evangelical concert : )

wow. yesterday, Tin'rob invited me to watch Gary V's evengelical concert sa CCF. lumapit siya sa'kin nung uwian and sinabi niya that the concert was that night. akala ko hindi ako papayagan nila mommy kasi usually, pag may gimik, i ask permission days before it, pero it was God's will na pumunta ako kaya, pinayagan ako. : )
grabe, sobrang GANDA ng concert. i can't describe kung gaano ako na-touch ni God, hindi ko malagay dito kung paano ako nasiyahan. grabe, tapos ang gaganda pa ng mga stories ni Gary V. sobrang malupit. tapos talagang mafi-feel mo yung presence ni God. grabe talaga. nakaka-iyak pa kasi pagkatapos niya mag-share ng story na sobrang malupit, kakanta siya ng sobrang gandang song na bagay na bagay dun sa situation na kinuwento niya. grabe, maiiyak ka talaga kasi feel na feel mo yung mga messages tska yung mga songs. malupit talaga yung experience and words are not enough to describe it kasi SOBRA talaga. pag andun kayo parang ang sarap ng feeling. sobrang secured ka na andiyan si God. grabe talaga. alam ko mukha nanaman akong loka pero nakakabaliw talaga pag nag-worworship ka kay God. sobrang kinailangan ko tong experience na to kasi, i admit, na-caught up ako masyado sa school work at kinailangan kong bumalik sa "heart of worship". grabe, i don't want this feeling to go away. Euphoria na talaga to. malupit na euphoria. ngayon, nagbabasa na ulit ako ng bible (nahinto kasi sa sobrang daming ginagawa), i do my quiet time at sobrang i take time to pray na talaga. sana hindi na 'to mag bago. ayos talaga. : ) marami ring sinabi na quotes si Gary V. sayang nga wala akong papel at ballpen para isulat lahat ng mga sinabi niya. napaka-life changing ng experience na to. sobrang i will make way talaga para maka-attend ako ng J-zone (YFC) tska youth camps. : ) andun din pala yung mga anak ni Gary na sobrang lupit din. : ) haha, di'ba Tin?? haha. : ) nga pala, thank you so much Tin'rob for inviting me. sobrang thank you. : ) ikaw yung nag-introduce sa'kin ng J-zone and you helped me to accept Jesus as my personal Lord and Savior. : ) sana matuloy yung Bible studies natin : ) ngayon, dinadasal ko na sana balang araw, sumama sa'kin yung dalawa kong kuya sa J-zone. hindi naman na hindi sila close kay God, pero gusto ko sabay-sabay kami sa pag worship sa kanya through songs ang praises. : )

muli nanaman ako minangha ng grades ko. hindi ko akalain na ganun ang kalalabasan, and it is all because of HIM. : )

ikaw, oo ikaw, hindi pa huli para makilala mo si God. ang haba pa ng panahon. tara, sabay tayo makilala Siya. : )

No comments: